MANILA, Philippines – Sumailalim sa due process at hindi “whimsical o capricious,” ang nuisance candidate rulings ng Commission on Elections (Comelec), sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia.
Ginawa ni Garcia ang pahayag na ito matapos idineklara bilang nuisance candidate ang tatlong kandidato sa pagka-senador.
Sinabi ni Garcia na 66 lamang sa 183 senatorial aspirants ang nakapasok sa pinal na listahan ng mga senatorial candidates sa darating na midterm polls, kasama ang natitirang 117 itinuring na nuisance candidates.
Gayunpaman, sinabi ng mga senatorial aspirants na sina Felipe Montealto Jr., Luther Gascon Meniano, at Rafael Simon Chico na ito ay ang paulit-ulit na ginagawa ng Comelec na walang habas na pagdedeklara ng mga kandidato bilang mga nuisance, nang walang nararapat na deliberasyon at maingat na pagsasaalang-alang.
Sinabi naman ni Garcia na kailangan gamitin ang hurisdiksyon na naaayon sa Konstitusyon, bagama’t kung minsan, masakit sa atin na nagresulta ito sa pagkakait ng karapatang pampulitika. Sa huli aniya, ito ang esensya ng rule of law. Jocelyn Tabangcura-Domenden