Home ENTERTAINMENT Rumored jowa ni Claudine, nag-sorry, nagpasalamat!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Rumored jowa ni Claudine, nag-sorry, nagpasalamat!November 27, 2025 20:392650 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Girlfriend na’y defender pa.Obyus na ito ang peg ngayon sa paningin ni Milano Sanchez, ang napapabalitang inspirasyon ngayon ni Claudine Barretto.Si Milano ay nakababatang kapatid ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas.Earlier kasi, nagpasalamat si Milano sa tinukoy lang niya bilang “C.B” sa kanyang social media account dahil sa pagtatanggol nito sa kanya.Nitong nakaraan, inilahad ni Milano ang kanyang hinampo sa kanyang pamilya at kung paano siya nakaligtas dito.Tinawag na “nightmare” ni Milano ang karanasang ‘yon pero hindi na siya nagbigay ng detalye.Obyus na ang C.B. ay initials ni Claudine dahil nagpasalamat din si Milano sa mga Claudinians.Apologetic si Milano sa itinuturing niyang “queen” for dragging her into the issue.Basta ani Milano, alam daw ng kanyang mga anak ang katotohanan.Kung ano nga ‘yon ay clueless ang mga netizens.All that Milano took particular notice of was the “disinformation” in which he got involved.Pero sa bandang huli, nanindigan siMilano sa kanyang post na mananatili ang kanyang binitiwang pangako sa aktres.‘Yun ay ang maghintay para opisyal na nga ba ang kanilang relasyon?Ano pa?! Ronnie Carrasco III