MANILA, Philippines- Pinag-usapan nina Philippine Foreign Secretary Enrique Manalo at kanyang American counterpart na si Marco Rubio, sa isang pagpupulong sa Munich araw ng Biyernes, ang bilateral coordination sa South China Sea at itaas ang economic cooperation.
“Secretary Rubio not only reaffirmed US commitment to the United States-Philippines Alliance, but noted his enthusiasm for building an even more invested and enduring relationship,” ayon kay State Department spokesperson Tammy Bruce sa isang kalatas.
Kabilang sa pinag-usapan ay ang nagpapatuloy na bilateral coordination para tugunan ang destabilizing actions ng Tsina sa South China Sea at paigtingin ang economic cooperation ukol sa imprastraktura, critical minerals, information technology, at energy, kabilang sa pamamagitan ng civil nuclear cooperation,.
Ang nasabing pagpupulong ay nangyari halos isang buwan pagkatapos mag-usap ng dalawang foreign secretaries sa telepono noong Enero 22 ukol sa kalagayan ng defense at security cooperation, kabilang ang US support para sa defense modernization ng Pilipinas at sitwasyon sa South China Sea, habang nagpapaligsahan ang Maynila at Beijing sa maritime claims.
Kapwa naman nagkasundo sina Manalo at Rubio para i-explore ang unang pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump ”in the near future,” ang sinabi ng Department of Foreign Affairs kasunod ng phone call.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Marcos noong Enero 30 na nais niyang makapulong si Trump para pag-usapan ang ilang mga bagay na may kinalaman sa Manila-Washington relations, gaya ng immigration at defense.
Samantala, si Manalo ay nasa Germany mula Pebrero 14 hanggang 16 para sa 61st Munich Security Conference, kung saan inaasahan ding makakapulong niya si European Commission Vice President and High Representative for Foreign Affairs at Security Policy Kaja Kallas.
Biyaheng London din si Manalo para sa bilateral meetings kasama ang mga opisyal ng UK, makipag-ugnayan sa corporate network ng think tank Asia House, at magkaroon ng interactive dialogue sa mga miyembro ng Chatham House, isang independent policy institute. Kris Jose