Home OPINION SA 2030, MAY HIV 500K NA LAHAT

SA 2030, MAY HIV 500K NA LAHAT

233
0

NAPAKABILIS ngayon ang pagdami ng mga Pinoy na may human immunodeficiency virus (HIV), ayon sa Department of Health.

Pinakamabilis ang pagdami ng mga biktima sa Pinas kumpara sa mga bansa sa Asia-Pasipiko.

Akalain mo, magdodoble mula sa 250,000 sa 500,000 ang mga biktima sa loob lang ng anim na taon mula ngayon.

Ang masama pa, pabata nang pabata ang mga nahahawa sa nakamamatay na sakit na ito.

Wala pa naman talagang maituturing na gamot na kapag ininom mo o ininiksyon sa iyo, gudbay HIV na.

Nagsimula ang HIV mula sa mga Kano na nakikipagtalik sa mga Pinay sa Olongapo City noong 1984.

Sa mga taong iyon, tuwing may nasa 25,000 na tauhan ng US military na dumaraong sa Subic Naval Base para mag-rest and recreation, may nasa 100,000 babae namang tumutugon sa pangangailangan nila sa sex.

Pangunahing lugar na may prostitusyon para sa US military noon ang Olongapo City mismo at mayroon din sa ibang mga bayan sa Zambales, Bataan at Pampanga na roon natagpuan ang Clark Air Base na kakambal ng Subic Naval Base.

Mula sa ilang Pinoy lang noong 1984 na nahawa, makaraang mamatay ang unang biktima ng HIV na isang dayuhan, heto na ang nasa 250,000 may HIV.

Noong 2023, Cebu ang may pinakamaraming HIV at sinundan ito ng Manila at Quezon City.

MGA PATAY MABILIS DING DUMARAMI

Mula noong 1984, may patay nang 8,246 hanggang 2023.

Heto ang nakababahala.

Ayon pa rin sa DOH, mga Bro, mabilis na dumarami ang namamatay sa HIV na humahantong sa Acquired Immuno-Deficiency Syndrome.

Noong 2011, kulang-kulang sa 100 ang namatay.

Pero pagsapit ng 2015, mahigit nang 400 ang namatay at noong 2022, 879 na.

Ganyan katindi ang bagsik at paglaganap ng HIV/AIDS.

Ito’y sa kabila ng mga gamot at paraan upang tumagal ang buhay ng mga biktima.

Meron na umanong medyo epektibong gamot pero hanggang ngayon hindi pa malinaw kung gaano katotoo ito.

SEX SA LALAKI AT LALAKI

Kung pag-aaralan ang pinagmumulan ng HIV/AIDS, halo-halo ang mga kwento o pag-aaral kaya.

Pero matagal na itong sinusubaybayan mula pa noong 1020’s.

Sex sa pagitan ng mga lalaki ang higit na itinuturong pinagmulan  at sinasabing karaniwang sangkot ang mga puting lahi, kaya tinatawag itong “white men’s disease.”

Hindi nakapagtatakang sa Pilipinas ngayon, sex ng mga lalaki ang pangunahing dahilan ng mabilis na pagdami ng mga biktima.

Noon lang May 1983 tinukoy na HIV ang virus na nahihinog patungo sa kamatayan bilang AIDS ng Institut Pasteur na nakabase sa Paris, France.

Ang isa talagang nakatatakot, parami nang parami ang edad 15 pababa ang nahahawa.

Bumaba rin ang edad ng mga nahahawa mula sa dating edad 35-49 sa edad 25-34 simula noong 2006 at simula noong 2019-2023, naririyan na ang mga edad 15 pababa.

Nasa 30% naman ng kabuuang may HIV/AIDS ang mga nasa edad 15-24.

Anak ng tokwa, namatay na ang mahigit 8,000 at nakapanghihinayan na mula sila sa pinakamalalakas na mga mamamayan ng bansa.

Magbantay at mag-ingat, mga Bro, sa sakit na ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here