Home OPINION SA BIBIG NAHUHULI ANG ISDA (PART 1)

SA BIBIG NAHUHULI ANG ISDA (PART 1)

SA naganap na Office of the Vice President hearing sa Senado kamakailan na dinaluhan mismo ni VP Inday Sara Duterte at ng mga senador kabilang na si Senator Risa Hontiveros ay nagpanagupa sa talastasan sina Sara at Risa.

Sinabi ni Hontiveros kay Duterte na kung maaaring magbigay pa ng ibang dagdag na impormasyon kaugnay sa aklat na “Isang Kaibigan” at ilang kopya nito ang bibilhin at ipamamahagi ng gobyerno sa halagang sampung milyong piso.

Imbes na sagutin nang maayos ng Bise Presidente ay lihis sa tanong ang isinagot nito na “This is an example of politicizing the budget hearing through the questions of a senator. Ang problema niya kasi nakalagay ang pangalan ko doon sa libro at ang libro na iyan ay ipamimigay doon sa mga bata, at ang mga bata na iyan ay may magulang na boboto. At iyong pangalan ko ay nagkalat doon man sa kung saan ibibigay ang libro.”

Dito na nagsimula ang sagutan ng dalawa. Ayon kay Hontiveros o SenRi, “Madam Chair, hindi ko maintindihan iyong ugali ng ating resource person, it is a simple question. Paulit-ulit na this is politicizing. Ang VP ang nagbanggit ng salitang boboto, wala akong sinabing boboto. I’m simply asking hindi ko ma- imagine na we’re making such trouble, so much fuss about a ten million pesos item na itinatanong ko lang simpleng what is the book about? I don’t appreciate this kind of attitude Madam Chair, usually ang resource person natin ay nagbibigay ng parehong institutional courtesy sa legislature na ibinibigay natin sa executive. I don’t appreciate this kind of attitude.”

Muling bumanat ang VP, “Madam Chair hindi ko rin maintindihan ang ugali ni Senator Risa Hontiveros ano iyong sinabi niya… I do not appreciate this kind of behavior and attitude.”

Tapos nagkwento na si VP ng wala namang kinalaman sa budget hearing at sa halip ay inistorya niya ang paglapit sa kanya at paghingi ng tulong na boto noong 2016 National Election para manalo na sa ikatlong pagkakataon si SenRi mula sa dalawang beses na pagkatalo nito.

Dagdag pa niya, alam naman daw niya na hindi naman tinutulungan ni Hontiveros ang kampanya sa pagkapangulo ng kanyang ama kaya hindi rin totoo na tumulong siya sa mambabatas sa halip ay tinawagan na lamang niya ang dating congressman sa kanilang lugar para ito ang tumulong kay Hontiveros.

Ayon kay VP Duterte, ito raw si Hontiveros ang unang bumatikos sa kanyang tatay, kaya ano raw ba ang tawag sa ugali ni SenRi? (May karugtong)