Home OPINION SA WAKAS, LALAYAS NA SI BBM

SA WAKAS, LALAYAS NA SI BBM

134
0

MAHUSAY sa ekonomiya at nation builder daw ang hinahanap ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na nais niyang pumalit sa kanya sa 2028.

Sinabi ito ni PBBM sa kanyang pagharap sa Association of Southeast Asian Nations o Asean Editors and Economic Opinion Leaders Forum kamakailan.

Alam n’yo ba kung ano ang maganda rito? Sa wakas ay handa na siyang bumaba sa poder pagkaraan ng kanyang termino. Bagama’t mahigit dalawang taon pa siya, sabik na sabik na ang taumbayan na mawala siya sa Palasyo. Hindi man siya mapilit ng iba na mag-resign dahil sa sobrang kapal ng mukha, marami na ang tumatalon sa tuwa.

Gulo lang ang ibinigay niya sa gobyerno mula nang hayaan ang kanyang pinsan na si dating House Speaker Martin Romualdez na mag-ambisyong susunod na presidente sa pamamagitan nang pagpuntirya kay Vice President Sara Duterte.

Ginamit ni Romualdez ang kanyang kapangyarihan sa Kongreso at nilimas nila ang salapi ng gobyerno upang wasakin at tangkaing mawala sa kanilang landas si VP Sara.

Maaaring isiping maganda ang nais ni Pangulong BBM sa kanyang sinabi tungkol sa gusto niyang hahalili sa kanya. Ngunit kabaligtaran ito ng totoong nangyayari.

Sa maniwala kayo o hindi, ang gusto ni BBM na ang pag-iisip ng kanyang kapalit ay matulad sa kanya. E ‘di wow! Anak ng ngagba!

Aba’y noong siya ang humawak sa Department of Agriculture sa loob ng 14 buwan, bukod sa napakalaking tungkulin ng pagiging Pangulo, humantong sa inflation ang pagkain at mga kakulangan?

Nakita natin ang pagtaas ng inflation ng pagkain sa 6.1 porsyento noong 2022 at 8 porsyento noong 2023 na may mga kakulangan sa domestic ng mga pangunahing bilihin, kabilang ang bigas, asukal, sibuyas at iba pa. Hanggang ngayon, lagapak ang ating ekonomiya.

Nawasak ang mga kalsada at iba pang imprastraktura bunga ng pinakamatinding katiwalian ‘pagkat daan-daang bilyong piso ang ninakaw na para sana sa mga proyekto sa pagkontrol sa baha. Bukod sa maraming ari-ariang nasira, maraming buhay ang nawala.

‘Yung male-maletang pera ng bayan ay dinala sa kanilang pintuan at bahay ng mga politiko imbes na sa maraming proyektong pambayan. Kinupitan pa ang pondo para sa kalusugan at mga nagkakasakit.

Sino ba ang namumulitika? Hindi ba’t sila ng kanyang pinsan at mga kapanalig sa Kongreso. Ayaw nilang tigilan ang mga Duterte. Ipinakulong na nga si dating Pangulong Digong sa ibang bansa, hindi pa rin tinitigilan ng pagsasampa ng kasong Impeachment si VP Sara para permanente nang matanggal sa posisyon at hindi na makatakbo sa 2028.

Bilyon-bilyong piso na ang kanilang nagagastos sa pamumulitika at hapi siyempre ang mga buwayang kongresista. Halos P200 milyon ba naman ang hatag kapalit lang ng boto upang ma-Impeach si VP Sara. Mga hinayupak, hindi ba?

Negatibo ang net approval at trust ratings ni BBM dahil sa graft mess, ang gusto niya kunwari ngayon ay mahusay, malinis at hindi namumulitika ang ieendorso niya?

Neknek mo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here