MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng Philippine National Police ang pagpapadala ng Special Action Force sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim in Mindanao matapos ang pananambang at pagpatay kay Bai Maceda Abo at kanyang asawa sa Maguindanao del Norte.
Binisita nina PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil at Comelec Chairman George Erwin Garcia ang rehiyon upang tiyakin ang seguridad.
Hanggang Marso 23, may 11 kumpirmadong election-related incidents, kabilang ang 7 pamamaril, isang pananambang, at isang pagsabog, na nagresulta sa 7 patay at 7 sugatan.
Wala pang naarestong suspek.
Iniutos ni Marbil ang mas pinaigting na presensya ng pulisya sa mga delikadong lugar at binalaan ang mga pulis laban sa pakikilahok sa pulitika. Santi Celario