Home NATIONWIDE Sagad na SRP sa baboy itatakda ng DA

Sagad na SRP sa baboy itatakda ng DA

MANILA, Philippines – Magpapatupad ang Department of Agriculture (DA) ng maximum suggested retail price (MSRP) sa baboy, katulad ng ginawa sa imported na bigas, upang mapanatili ang patas na presyo sa merkado.

Ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, kasalukuyang pinag-aaralan pa kung magkano ang magiging presyo at kung kailan ito ipatutupad. Bagama’t nakarekober na ang industriya ng baboy mula sa African Swine Fever (ASF) outbreak noong ikatlong bahagi ng 2024, nananatiling mataas ang presyo nito sa pamilihan.

Batay sa pinakahuling datos ng DA, umabot na sa ₱480 kada kilo ang presyo ng liempo at ₱420 naman ang pigue. Sinabi ni De Mesa na kahit nasa ₱220 hanggang ₱240 lamang ang farm gate price ng baboy, umaabot sa ₱450 hanggang ₱460 ang bentahan sa palengke, na nagpapahiwatig ng hindi makatarungang pagpepresyo.

Layunin ng DA na ipatupad ang MSRP sa baboy upang mapanatili ang patas na presyo para sa mga mamimili at negosyante. (Santi Celario)