Home NATIONWIDE Comelec: Election posters ‘wag ikabit sa puno

Comelec: Election posters ‘wag ikabit sa puno

MANILA, Philippines – Inulit ng Commission on Elections (Comelec) sa rehiyon ng Cordillera ang patakaran nito sa common poster areas para sa campaign materials at hinimok ang mga kandidato at kanilang mga tagasuporta na makaingatan ang mga puno.

Sinabi ng Comelec sa nasabing rehiyon na mayroong mga common poster areas kung saan maaring maglagay ang mga supporters ng mga campaign materials.

Sa mga pribadong lugar o pag-aari,hindi rin aniya nila maipagbabawal ngunit umaapela sila sa mga kandidato na huwag magpako ng campaign materials sa mga puno.

Binanggit din ng Comelec na may batas na ipinatupad ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kahit pa nasa private property pa.

Papayagan lamang ang campaign materials sa Comelec-designated areas, at hindi rin sa poste ng ilaw, waiting sheds at iba pang public places na hindi binanggit bilang common poster areas.

Magsasagawa rin ng ‘operation baklas’ sakaling may mga kandidato o supporters na hindi tatalima.

Tutulong din ang Philippine National Police at Department of Public Works and Highways sa Comelec na tanggalin ang mga hindi wastong inilagay na campaign materials, ngunit hindi ito maaaring gawin sa mga pribadong pag-aari. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)