MANILA, Philippines – Narekober ng National Bureau of Investigation (NBI) ang higit pang kagamitan at devices mula sa condominium unit ni Deng Yuanqing, ang Chinese national na inaresto dahil sa umano’y pagkakasangkot sa isang espionage operation sa Pilipinas.
Sa isang follow-up na pagsalakay sa bahay ni Deng sa Makati, nasamsam ng mga awtoridad ang iba’t ibang device, kabilang ang isang laptop, computer, external drive, router, at modem na posibleng magamit para sa remote access at data extraction.
Ayon kay Marlon Marcelo, Executive Officer ng NBI Special Task Force, ang mga nakuhang gamit ay puwedeng maka-conbect sa internet at pwedeng magamit para sa remote access o pagkuha ng impormasyon at mga data.
Narekober din ang mga IDs, passports at deposit slips kung saan ang bawat transaksyon ay nagkakahalaga ng milyong piso.
Pero ayon kay Marcelo, tignan pa ang personal na transaction o my kinalaman sa dati nilang aktibidad.
Ang mga nakumpiskang kagamitan at device ay sasailalim sa forensic investigation upang matukoy ang kanilang buong kakayahan at kung ginamit ang mga ito para sa mga aktibidad sa pangangalap ng intelligence.
Si Deng, kasama ang dalawa pang Pinoy, ay naaresto noong Enero 17 sa loob ng isang kotse na puno ng mga high-tech na device na hinihinalang ginagamit para sa espionage.
Sinusubaybayan umano nila ang mga lokasyon ng mga kampo ng militar, pasilidad, at ilang lugar ng EDCA sa buong bansa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)