MANILA, Philippines- Nakalusot sa Department of Budget and Management (DBM) ang pag-upgrade sa umiiral na posisyon para sa government psychologists, alinsunod sa promosyon ng epektibong mental health programs para sa public servants.
Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang hirit ng National Center for Mental Health (NCMH) at ng Department of Health (DOH) na i-adjust ang salary grades (SG) ng government psychologists sa pamamagitan ng mabusising pag-aaral.
Saklaw ng upgrade ang lahat ng Psychologist I, II, at III positions, regular man o casual, contractual, o full-time.
Batay sa Budget Circular 2024-5 na ipinalabas ni Pangandaman noong Dec. 10, ang Psychologist I posts ay magkakaroon ng adjusted salary grade mula SG 11 sa SG 16.
Ang salary grade para sa Psychologist II ay itataas mula SG 15 sa SG 18, habang ang salary grade para sa Psychologist III ay iaangat mula SG 18 sa SG 20.
Iiral ang adjustments sa Jan. 1, 2025, batay sa budget circular.
“Magle-level up na po ang salary grade ng ating mga existing psychologists sa gobyerno. I know that is long overdue for our dear psychologists in government, but we are happy that under the term of our President (Ferdinand R. Marcos Jr.), nagkatotoo na po,” pahayag ni Pangandaman.
“We all know that prioritizing mental health programs is fundamental to fostering a healthy and productive workforce. The upgrade in psychologist positions in government is an important step toward strengthening our mental health initiatives,” dagdag ng opisyal.
“How can we hire or attract experts or high-caliber personnel if the salary we offer is way below than the pay they deserve? With the upgrading, we hope to be able to recruit more psychologists in the government sector, so we can also develop and enhance mental health of government workers across the bureaucracy,” aniya pa. RNT/SA