MANILA Philippines – Hindi itinago ni Albay Rep. Joey Salceda amg pagkadismaya sa stock footage na ginamit ng Department of Tourism(DOT) sa kanilang promotional video sa pagsasabi na ang nangyari ay malinaw na “trabahong tamad”.
Una nang binatikos ni Salceda ang DoT dahil sa hindi pagsasama sa Albay sa kanilang promotional video bilang isa sa travel destination ngayong ipinagmamalaki at isang atrasksyon ng bansa ang Mayon Volcano na nasa lalawigan.
Aniya, ang Mayon Volcano ay masyadobg tanyag at importante na makaliligtaan ng DoT.
“The whole mess with the contractor using stock footage in the promotional video proves my earliest point about the DOT either apologizing to Albay, or firing the consultant,” ani Salceda.
“Clearly, the exclusion of Mayon and other tourist attractions intrinsic to the Philippine brand was just a symptom of ‘trabahong tamad’ that is now evident to everyone,” dagdag pa nito.
Una nang inamin ng contractor ng DoT na gumamit sila ng stock footage subalit ang nasabing video ay maituturing lamang na “mood video” at unang installment pa lamang ito.
Ang paliwanag ng contractor ng DoT na DDB Philippines ay hindi naman kinatigan ni Salceda,aniya, sa una pa.lang at nasira na ang promosyon ng DoT.
“For something as critical as an entire country’s image, you don’t ‘set the mood’ with plagiarism,” pahayag ni Salceda.
Ang stock footage na kinuha sa DOT promotion ay mula sa Indonesia, Thailand, Switzerland at United Arab Emirates (UAE).
Samantala, ukol sa slogan na
Love the Philippines tumanggi pa munabg magkomento ni Salceda.
“As for the branding itself, the slogan is a creative decision best left to experts and its usefulness will be proven ultimately in tourist numbers. We will know soon enough if it works. So, I don’t want to comment on it.” Pagtatapos pa ni Salceda.