MANILA, Philippines – Nakasamsam ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng hindi bababa sa P21.7 bilyong halaga ng shabu sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa pahayag na inilabas sa pagdiriwang ng PDEA’s 21st Anniversary, sinabi ng ahensya na 44,866 drug personality ang naaresto mula Hulyo 1, 2022 hanggang Abril 30 ngayong taon.
