Home METRO San Beda Alabang campus kinandado, lumipat sa online class sa ‘unverified threat’ 

San Beda Alabang campus kinandado, lumipat sa online class sa ‘unverified threat’ 

1
0

MANILA, Philippines — Pansamantalang isinara ng San Beda College Alabang (SBCA) ang physical campus nito at inilipat sa online mode ang lahat ng klase ngayong Miyerkules, Agosto 26, bilang pag-iingat habang kinukumpleto ang mga safety protocol.

Ayon sa opisyal na abiso ng paaralan, sakop ng online classes ang Basic Education hanggang Tertiary at Graduate School, habang suspendido muna ang lahat ng on-campus activities na nangangailangan ng presensya ng mga estudyante.

Magpapatuloy ang mga klase ayon sa regular na iskedyul gamit ang nakatakdang virtual learning platforms.

“This is a precautionary measure as the school completes necessary safety protocols in coordination with the appropriate authorities,” ayon sa SBCA.

Hindi idinetalye ng paaralan sa public advisory ang eksaktong uri ng safety concern. Hinikayat nito ang Bedan community na manatiling kalmado at umasa lamang sa mga impormasyong inilalabas sa opisyal nitong channels.

Nakatakdang maglabas ang SBCA ng panibagong advisory hinggil sa campus operations para sa Huwebes, Agosto 27, pagsapit ng 3 p.m. ngayong Miyerkules.

Nauna nang palakasin ng paaralan noong Agosto 21 ang campus security, emergency preparedness, access control at koordinasyon nito sa Muntinlupa City government, Philippine National Police at iba pang ahensya bilang bahagi ng mas malawak nitong safety measures. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here