PANGASINAN – Nagpahayag ng buong suporta si San Carlos City Mayor Julier ‘Ayoy’ Resuello para sa FPJ Panday Bayanihan Partylist, bunga ng walang humpay nitong sinusulong ang dakilang hangarin ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. na paglingkuran ang mamamayan ng walang katapusan.
Mababatid, ang bayan ng San Carlos ay hometown ng mag-amang aktor na si Fernando Poe Sr. ,sapul pa noon ay tumutulong na ang mag-ama sa mga pangangailangan ng mga residente ng nasabing bayan.
Pumunta sina Brian Poe ang kanyang ina si Senator Grace Poe, Lovi Poe at mga kaibigan at kapamilya sa lalawigan ng Pangasinan upang ipagdiwang ang pagbubukas ng FPJ Esplanade and Eco Park sa Barangay Bocboc ng San Carlos City kaalinsabay sa ika 20 Taong Anibersaryo ng pagpanaw ni Fernando Poe noong Disyembre 14.
Ang tatlong Poe’s ay nagsimba sa San Carlos City Minor Basilica of Saint Dominic bago ang isinagawang pagbasbas at selebrasyon sa pagbubukas ng FPJ Esplanade and Eco Park.
Ang Eco Park ay maaaring gamitin bilang all-in one facility para sa recreational activities, birthday celebration, convention, job fair , market fair iba pang okasyon.
Sinabi ni Mayor Resuello, tuwirang mabubuo at maipupundar natin ang kinakailangan pang kagamitan sa Eco Park nang tulungan tayo sa karagdagang pinansya na kaloob ating mga kaibigan na sina Senator Grace Poe at Chief of Staff Brian Poe.
Nasa 2nd Phase pa lamang ng konstruksyon ang Eco Park at may iba pang amenities na kinakailangan idagdag. Sa susunod taon ay kasama sa ating puntirya na magkaroon ng mga playground, outdoor exercise equipments, decorative lamps at benches, saad ng alkalde
Sa ngayon ay nakaabang na ang pagtatayo Tennis Court, outdoor basketball court, gazebo na maaring gamitin pahingahan ng publiko at mga landscape garden. Kiddie park at public gym.
Sa talaan ng national census, sa 45 na munisipalidad at tatlong lungsod na saklaw ng Pangasinan ay ang San Carlos City ang may pinakamalaking populasyon na binubuo ng 205,424 katao na tumutumbas ng 6.34 porsyento ng kabuuang populasyon ng probinsya. Ito rin ang pinakamataong lungsod sa buong Rehiyon ng Ilocos. RNT