Home OPINION SEN. BONG GO NANGUNA SA SENATORIAL SURVEY NG PUBLICUS ASIA

SEN. BONG GO NANGUNA SA SENATORIAL SURVEY NG PUBLICUS ASIA

NANGUNA si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa “Paha­yag 2024 End-of-the Year Survey” ng Publicus Asia, Inc. sa unaided voting preference sa mga aspirante sa pagka-senador sa 2025 National and Local Elections na gagawin sa May 12, 2025.

Isinagawa ang pagtatanong mula November 29, 2024 hanggang December 3, 2024 kung saan mainit na pinag-uusapan ang inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Pumangatlo naman ang kanyang ranggo sa aided voting pre­ference, mas mataas ng dalawang puwesto kumpara sa naging resulta ng October 2024 survey kung saan ay nasa ikalimang posisyon siya.

Habang napanatili ni Senator Go ang kanyang matatag na ikalimang pwesto, na may 46.5 porsyento ng boto sa Pulso ng Pi­lipino Fourth Quarter Pre-Poll Survey na isinagawa mula naman Nobyembre 5 hanggang Disyembre 1.

Sa survey naman ng Tangere na ginawa mula November 6, 2024 hanggang November 9, 2024 ay pumangatlong puwesto si senator Go na may solidong 50.13 porsyento.

Nasa ika-apat hanggang ika-siyam na ranggo naman siya sa Pulse Asia survey na may 40.3 porsiyento noong August 2024 habang sa OCTA Research sa kaparehas na panahon ay nasa ikatlo hanggang ika-anim na puwesto na may 49 porsyento.

Nagpasalamat ang Senador sa mataas na ranggo at porsyento ng preference vote na kanyang nakukuha mula sa iba’t ibang national survey.

Kilala bilang “Mr. Malasakit” at kasalukuyang chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, binigyang tutok ni Senator Go ang kalusugan ng mga Filipino sa kanyang unang anim na taong termino gayundin ang mga programang pangkabuhayan.

Matatandaan na hindi naglaan ang BICAM ng pondo para sa subsidiya ng mga indirect member dahil sa napag-alamang reserbadong pondo ng PHILHEALTH. Ang hakbang ay kinuwestiyon nina kaagad ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na siyang chairperson ng Senate Committee on Health and Demography.

Sa isang privilege speech ni Senator Go, ang kanyang panawagan sa pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) sa pagpapatigil ng polisiya nitong “single period of confinement”.

Ang single period confinement policy ay nagsasaad na ang admissions o re-admissions sa iisang karamdaman o parehas na proseso sa loob ng 90 araw ay minsan lamang babayaran ng health insurance corporation.

Dahil kay Senator Go, natanggal na ang single period of confinement kaya makaka-avail nang pasyente kung sila na-admit muli sa ospital na may kaparehas na karamdaman.

Tumatakbo siya sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at iniendorso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.