MANILA, Philippines – Muling inihalal na pangulo ng Metro Manila Council (MMC) si San Juan City Mayor Francis Zamora.
Si Zamora ang nag-iisang nominado at nanalo sa pamamagitan ng acclamation sa joint meeting ng MMC kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Camp Crame nitong Biyernes, Agosto 1, 2025.
Ang MMC presidency ay isang posisyong bukas sa mga senior o third-term mayors ng 17 local government units ng National Capital Region (NCR).
Si Zamora ay muling nahalal sa kanyang ikatlong termino bilang alkalde ng San Juan noong Mayo.
Una siyang nahalal na presidente ng MMC noong Nobyembre 2022, matapos i-waive ng limang third-term na mayor ng NCR ang kanilang pagiging kwalipikado.
Ang MMC ay nagsisilbing katawan ng MMDA sa paggawa ng mga patakaran. RNT/MND