Home METRO 8 hinihinalang rebelde, dedo sa engkwentro sa NSamar

8 hinihinalang rebelde, dedo sa engkwentro sa NSamar

179
0

NORTHERN SAMAR, Philippines – Walong hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa armadong engkwentro sa Barangay San Isidro, Las Navas, Northern Samar nitong Huwebes, ayon sa 8th Infantry “Stormtroopers” Division (8ID) ng Philippine Army.

Sa isang pahayag, sinabi ng militar na isang sibilyan ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa isang grupo ng mga armadong lalaki na nagsasagawa umano ng pangingikil at pananakot sa mga magsasaka sa lugar.

Sinabi ng 8ID na naglunsad ito ng pag-atake noong 2:30 ng madaling araw sa isang pinagtataguan umano ng mga hinihinalang rebelde na pinalilibutan umano ng International Humanitarian Law (IHL)-banned Anti-Personnel Mines, na nagtulak sa militar na tumawag ng suporta.

Pitong hinihinalang rebelde ang napatay sa unang sagupaan.

Bandang alas-10:00 ng umaga, sinabi ng militar na naganap ang isa pang sagupaan habang tinutunton ng mga 803rd Infantry Brigade ang mga tumatakas na hinihinalang mga rebelde patungo sa kanluran ng unang encounter site.

Isang hinihinalang rebelde ang napatay sa ikalawang sagupaan.

Walang iniulat ang militar ng anumang nasugatan mula sa kampo ng mga pwersa ng estado.

Narekober mula sa mga lugar ng engkwentro ang limang M16 rifles at dalawang R4 rifles na may nakakabit na isang M203 grenade launcher.

“We have repeatedly called on them to return to their families, but this group continues to cling to their twisted ideology that has claimed the lives of countless Filipinos,” ayon kay Joint Task Force Storm and 8ID commander Major General Adonis Ariel G. Orio.

“We therefore reaffirm our call to the remaining members of the CTGs, this may be your best chance to lay down your arms, abandon the armed struggle, and return to the fold of the law. We will not stop until Eastern Visayas is free from your acts of terror. We will hit you hard,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here