Pumila ang mga first-time voters upang magparehistro sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa San Juan City Science High School ngayong Biyernes, Agosto 1, 2025.
Isinasagawa ng Commission on Elections (COMELEC) ang nationwide registration drive para ma-accommodate ang mga bagong magpaparehistro at ang mga mag-a-update ng kanilang mga rekord bago ang paparating na botohan. DANNY QUERUBIN