BATAAN, Philippines – Nadiskubre ng isang mangingisda ang sandamakmak na lumang bala sa ilalim ng isang tulay habang naglalambat ng isdang maiuulam nitong sabado ng umaga sa isang creek sa Purok 6 Barangay Mandama, Hermosa.
Aksidenteng tinamaan ng lambat ng mangingisdang si “Mang Alex” ang pag-aakalang isda ang nakuha, subalit ng maiangat isang Sako pala ito ng mga luma at mga kinakalawang na bala ang nadiskubre.
Agad ipinagbigay alam ni Mang Alex sa mga awtoridad (EOD) ang mga nadiskubreng lumang bala.
Nakuha ang nasa 1,065 na piraso ng .30MM Cartridge na posibleng itinapon sa lugar.
Kinumpirma naman ng Explosive and Ordinance Division (EOD) na Hindi na magagamit ang mga nadiskubreng bala.
Nasa kustodiya na nang mga awtoridad ang mga nadiskubreng lumang bala para sa safe keeping. (ROEL TARAYAO)