Home NATIONWIDE Solon muling nanawagan kay VP Sara na dumalo sa impeachment hearing

Solon muling nanawagan kay VP Sara na dumalo sa impeachment hearing

147
0

MANILA, Philippines – Muling hinikayat ng isang kongresista si Vice President Sara Duterte na dumalo sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay sa dalawang impeachment na nakasampa sa Kamara laban sa bise presidente.

Panawagan ito ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chair Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur kasunod ng inilabas na resulta sa pinakahuling OCTA Research survey na nagsasabing diumano na 69 porciento ng mga Pilipino ay pabor na magkaroon ng paglilitis sa Senado o matuloy sa Senado ang impeachment court proceedings.

“I hope the Vice President’s legal team will consider addressing all the allegations in the impeachment complaints within the proper forum. The latest survey reflects a clear public signal that Filipinos want these issues answered through the constitutional process now underway in the House Committee on Justice,” ayon kay Adiong.

Paliwanag pa ni Adiong na ang partisipasyon ng pangalawang pangulo sa pagdinig ay isang pagkakataon na rin upang masagot nito ang mga alegasyon  laban sa kaniya.

Ang OCTA Research survey ay inilabas noong April 15 kung saan lumalabas na 69 percent ng mga Pilipino ay naniniwala umanong dapat na umabot sa Senate impeachment court ang usapin samantalang 28 porciento ay tutol samantalang tatlong porciento ang hanggang ngayon ay wala pang desisyon ukol dito.

Isinagawa ang sarbey noong March 19 hanggang March 25 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa may 1,200 adult respondents.

Sinabi pa ni Adiong na ang tanong na iprenisenta sa mga respondents ay ukol sa kung dapat bang maharap sa pagdinig sa Senado ang bise presidente.

Sa nasabing survey ay lumabas din na 87 porciento ng mga Pilipiono ay may impormasyon ukol sa impeachment. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here