Home NATIONWIDE Sapat na suplay ng tubig bago magtag-tuyot sinisikap ng PH gov’t

Sapat na suplay ng tubig bago magtag-tuyot sinisikap ng PH gov’t

MANILA, Philippines- Ginagawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para masiguro na matatag ang suplay ng tubig bago pa ang panahon ng tagtuyot.

Sa katunayan, mahigpit na naka-monitor ang mga opisyal sa sitwasyon.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nananatiling matatag ang suplay ng tubig subalit tiniyak pa rin nito sa publiko na kagyat na tutugunan ng pamahalaan ang postensyal na kakapusan ng suplay ng tubig sa panahon ng dry season.

“Sa ngayon po, iyong pong water supply natin, the water supply remains significant despite change in the weather condition,” ang sinabi ni Castro.

Nilinaw naman ni Castyro na walang opisyal na deklarasyon kaugnay sa pagsisimula ng El Niño, labis na nakaapekto sa bansa noong nakaraang taon.

“As of now po, wala pa pong pagdeklara kung tayo po ay nasa El Niño na. So, as of now wala po tayong dapat alalahanin at kung mayroon man po at tayo naman po ay sanay na sanay na sa sobrang init po at tayo naman din po ay nakakaraos,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Castro na handa ang gobyerno sa posibleng epekto ng dry season.

“Of course, hindi po ito tutulugan ng gobyerno. Kung mayroon po talagang pagkukulang sa water supply, agad-agad din po na kikilos po ang pamahalaan,” anito.

Hinggil naman sa pagtugon sa alalahanin ng pagrarasyon ng tubig, muling tiniyak ni Castro sa publiko na pinagsisikapan ng pamahalaan na gumawa ng paraan at hakbang para maiwasan ang sitwasyon.

Samantala, ayon sa weather bureau na PAGASA, ang peak ng dry season ay mararanasan mula sa pagtatapos ng Marso hanggang Abril. Kris Jose