Home METRO Yorme tatalima sa Comelec rules sa paglalagay ng campaign posters

Yorme tatalima sa Comelec rules sa paglalagay ng campaign posters

MANILA, Philippines- Dalawang linggo bago ang pag-arangkada ng local campaign, sinabi ni dating Manila Mayor isko Moreno-Domagoso na susunod sila o ng Yorme’s Choice sa regulasyon na ipinatutupad ng Commission on Elections (Comelec) sa tamang lugar na maaari lamang maglagay ng campain materials.

Sa Meet The Manila Press forum, sinabi ni Domagoso na wala silang plano na maglagay ng campaign posters sa mga ipinababawal ng Comelec tulad ng mga poste ng kuryente.

Ang pahayag ni Domagoso ay matapos ihayag sa nasabi ding pulong balitaan na sa kabila ng paulit-ulit na paalala at pagpapadala ng notices sa mga local government units ay marami pa rin talagang mga pasaway na hindi nagtatanggal ng kanilang mga campaign materials lalo na sa mga hindi designated campaign poster area.

Partikular na hinikayat ni Garcia ang incumbent officials at reelectionist para sa May 12 midterm election na tanggalin ang kanilang mga larawan mula sa LGU projects.

Paliwanag ni Garcia, ang ganitong gawain ay maituturing na election propaganda na ipagbabawal kapag nagsimula na ang campaign period para sa mga lokal na posisyon sa Marso 28.

Pagtitiyak naman ni Domagoso,mabigat ang kanyang tagubilin na huwag maglalagay sa mga poste ng kuryente ng kanilang mga campaign posters.

“Kung may ginagawa ibang tao, hayaan mo sila kung magkibit-balikat sila sa regulasyon o pamantayan sa pagpapatakbo ng election ng Comelec”, pahayag pa ni Domagoso.

“So si Chairman [ Garcia] as much as we can, we can follow,” wika pa ng dating alkalde ng lungsod na ngayon ay muling tumatakbo sa parehong posisyon para sa kabisera ng bansa.

“Yang simpleng regulasyon hindi matupad, paano mo mapapatupad ang pagpapatakbo ng gobyerno,” dagdag pa ni Manila Mayoralty race candidate.

Inaasahan na rin ni Garcia na madaragdaan pa ang bilang ng campaign materials violators sa sandaling magsimula na ang campaign period para local position. Jocelyn Tabangcura-Domenden