Home NATIONWIDE Sarah Discaya, 8 iba pa naka-detain na sa Mactan, Lapu-Lapu City jail

Sarah Discaya, 8 iba pa naka-detain na sa Mactan, Lapu-Lapu City jail

348
0

MANILA, Philippines – Naka-detain na ang kontrobersyal na contractor na si Sarah Discaya sa Lapu-Lapu City Jail kasama ang walo iba pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Davao Occidental.

Sina Discaya at kanyang mga kapwa akusado ay magkahiwalay na dumating sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) noong Disyembre 19, matapos ang warrants of arrest na inisyu sa kanila ng Regional Trial Court (RTC) Branch 27 sa kanilang kaugnayan sa maanomalyang flood control projects sa Davao Occidental.

Dalawa sa walong DPWH engineers ay dumating bandang alas-3 ng hapon noong Disyembre 19. Agad silang dinala sa RTC Branch 27 sa Lapu-Lapu City Hall of Justice.

Dumating naman si Discaya pasado alas-6 ng gabi kung saan agad siyang dinala sa RTC Branch 27.

Hinigpitan ang seguridad sa Hall of Justice sa kanyang pagdating.

Apat sa mga opisyal ng DPWH ay dumating sa nasabi ring korte pasado alas-7 ng gabi. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here