Home NATIONWIDE Sarah Discaya, 9 iba pa, pumalag sa graft, malversation sa P96.5-M “ghost”...

Sarah Discaya, 9 iba pa, pumalag sa graft, malversation sa P96.5-M “ghost” flood control project

243
0

CEBU, Philippines – Naghain ng “not guilty plea” si Sarah Discaya, isang detained contractor, kasama ang siyam na iba pang akusado sa graft at malversation charges kaugnay ng P96.5-milyong proyekto sa flood control sa Davao Occidental na tinaguriang “ghost project.”

Sa arraignment na ginanap sa Regional Trial Court Branch 27 sa Lapu-Lapu City, Cebu, si Discaya, kasama ang St. Timothy Construction Corp. executive Ma. Roma Angeline Rimando at walong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ay nagpahayag ng not guilty bago si Presiding Judge Nelson Leyco.

Bago ang arraignment, humiling ang mga abogado ng accused na i-reset ang pagdinig dahil kakatanggap lamang nila ng court resolution na nagtatanggi sa kanilang motion to quash.

Gayunpaman, pinayuhan ng korte na maaari pa ring gamitin ng depensa ang iba pang legal remedies kahit isinasagawa ang arraignment.

Ayon sa depensa, maaari silang maghain ng petition for certiorari o motion for reconsideration, lalo na sa paghamon sa jurisdiction ng korte.

Si Rimando naman ay humiling ng joint ocular inspection sa proyekto upang patunayan na ito ay totoong naitatag, at handa siyang pasanin ang gastos kung ito ay aprubahan ng korte.

Sa kabilang banda, ini-suspend ng korte ang mga DPWH officials sa loob ng 90 araw, maliban sa isa na nag-claim na retired na.

Ang pre-trial hearing ay itinakda sa Pebrero 3, 10 a.m.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Lapu-Lapu City, mahigpit ang seguridad sa pagdadala kay Discaya sa korte.

“The PDL is already secured in the vehicle upon egress,” ani Jail Chief Inspector Ivy Manigos.

Ang kaso ay inilipat sa Lapu-Lapu City RTC alinsunod sa Supreme Court guideline na nag-uutos na ang mga kaso ng korapsyon sa imprastruktura ay idaan sa pinakamalapit na anti-graft court.

Ang akusasyon laban kay Discaya at iba pa ay pagsasabwatan sa pag-release ng P96.5 milyon para sa konstruksyon ng revetment project sa Jose Abad Santos, Davao Occidental, na diumano ay hindi naipatupad.

Si Discaya ay nadakip at ikinulong noong Disyembre 2025. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here