Home ENTERTAINMENT Sarah, nagreak na sa isyu ng pinalayas sa event!

Sarah, nagreak na sa isyu ng pinalayas sa event!

339
0

Manila, Philippines – Naging viral noon ang tsika tungkol sa diumano’y pagpapalayas kay Sarah Lahbati ng tatay ng isang socialite sa isang after-party.

Ang espekulasyon: na-intimidate daw ang ex ng pulitikong nali-link kay Sarah.

Ang balita: hindi raw nagustuhan ng tatay ng nabanggit na socialite ang presence ng aktres kaya naman inutusan daw umano nito ang staff na pakiusapan siyang umalis sa venue.

Sa nakarating na kuwento, sinabi naman ng estranged mother-in-law ni Sarah na si Annabelle Rama na awa-awa siya sa ginawang pagpapaalis sa aktres sa naturang sosyal na restaurant sa BGC.

Aniya, hindi raw maganda ang ginawa sa kanyang manugang. Napahiya raw ito at pinagtinginan ng mga tao.

Hirit pa niya, hindi raw dapat ganoon ang trato sa mga babae.

Sey pa niya, naawa raw siya kay Sarah na nag-iiyak nang pumasok sa sasakyan, ayon sa ulat.

Sa kanya namang social media account, makahulugan ang latest post ni Sarah na ipinalalagay ng kibitzers na sagot sa nangyaring insidente.

Caption niya: “Judge me na lang, katamad mag-explain.”

Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento:

“I like her sense of humor. I actually am beginning to like her. I find her sensible and classy.”

“She’s a single mom and hustles hard. Good luck, Sarah. And carry on with your nonchalance. Nobody has the right to judge you!”

“Lmao. G na G! Yan pala gusto.”

“Now I’m starting to love Sarah.”

“Be brave, Sarah, you are better than them, not worth your time.” – Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here