Manila, Philippines – Idinaan ni Xian Gaza sa Bl o blind item ang tsika tungkol sa isang nagyayaman-yamanang babae na pabayang ina naman sa mga anak nito.
Nagbabalak din daw bumili ng property sa Paris, France ang babaeng ‘yon.
Sa kanyang Facebook account, tinuligsa ng binansagang Pambansang Marites ang babaeng tinutukoy niya–na hindi niya pinangalanan.
Ayon sa post ni Xian: “Malaking kahibangan ‘yang Paris-Paris home na ‘yan. More on profiling lang ‘yan for keeping her high image kahit hirap na hirap na!”
Paano daw mangvavari ‘yon samantalang wala naman daw pera ito pang-travel: “Ultimo pambayad ng kuryente, pinapang-utang niya, daang milyones na Parisian property pa kaya?!”
Giit pa ni Xian, napapabayaan daw ng babaeng ‘yon ang kanyang anak, na walang baong lunch pag pumapasok ito sa paaralan.
Tinawag niyang “ulirang ina” ang babaeng hindi na naawa sa anak na gutom na gutom dahil hindi napabaunan ng lunch.
Nakarating daw ‘yon sa kaalaman ni Xian dahil sa report ng teacher ng bata sa principal.
Ikinuwento naman ito ng principal sa kumare niya, na nagkuwento sa isang parlorista.
Nagpasalin-salin na daw ang istoryo hanggang nakarating kay Xian.
Sure naman ang mga netizens na walang iba kundi si Sarah Lahbati ang BI ni Xian.
Nag-viral kasi si Sarah matapos lumabas sa Netflix show na The Parisian Agency: Exclusive Properties.
Balak kasi si Sarah na bumili ng isang apartment sa Paris na aabot sa mahigit 300M in peso.
Bukas ang Remate Online sa panig ni Sarah Lahbati bilang reaksyon sa kuwento ni Xian Gaza. Ronnie Carrasco III