MANILA, Philippines- Tinukoy ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps bilang national program o isyu na may pinakamataas na public support sa 91%, base sa bagong survey ng Oculum Research and Analytics.
Sinabi ng Oculum na makikita sa resulta ang kahalagahan ng conditional cash transfer program sa paningin ng karamihan.
“The respondents profile definitely had an impact on the survey results,” ani Oculum chief political analyst Dennis Coronacion.
Iisnagawa ang 3rd quarter national survey mula July 17-31 sa 1,200 respondents, karamihan ay mula sa class C, D, at E.
Ikalawa sa listahan ang climate action sa 54% ng mga boto.
Sinabi ni Oculum Oversight Board member Manny Mogato na nakararanas ang bansa ng inclement weather nang isinagawa ang survey.
“Issue rin yung El Niño at that time na bumababa yung level ng Angat Dam so nawawalan tayo ng tubig so these issues really [were] in the consciousness of the respondents,” pahayag ni Mogato.
Ikatlo ang K-12 came tsa 53% ng mga boto, sinundan ng Mandatory ROTC sa kolehiyo sa 50%, rice importation 45%, small town lottery 35%, Maharlika investment fund sa 34%, anti-communist insurgency sa 23%, divorce with 22%, at SOGIE bill sa 21%.
Ang survey ay mayroong margin of error na +/-3 points sa national level, base sa pollster. RNT/SA