MANILA, Philippines – Naghain ng cyberlibel complaint sa Manila Prosecutors Office si
Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela laban sa vlogger na si Sass Sasot
Base sa reklamo, sinabi ni Tarriela na nag-post si Sasot ng umano’ y “scurrilous libels” tungkol sa kanya sa Facebook at X accounts nito na inaakusahan ang opisyal ng PCG ng korapsyon, pangingikil at pandaraya.
Sinabi ni Tarriela na inakusahan siya ni Sasot na tumanggap ng $4 milyon na “talent fee” mula sa United States at bags ng pera mula kay House Speaker Martin Romualdez.
Idinagdag pa na tinawag din siya ni Sasot bilang “Philippine Military Academy cheater.”
Sinabi ni Tarriela na lahat ng alegasyong ito ay pawang walang katotohanan at walang totoong basehan.
Humihingi si Tarriela ng mahigit P1 milyong danyos. Jocelyn Tabangcura-Domenden