Home NATIONWIDE SC huling pag-asa sa pag-interpret ng batas sa ICC, impeachment ni VP...

SC huling pag-asa sa pag-interpret ng batas sa ICC, impeachment ni VP Sara – Lambino

56
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Sinabi ni Atty. Raul Lambino nitong Lunes, Mayo 18 na ang Korte Suprema na lamang ang huling pag-asa para i-interpret ang batas ng bansa kaugnay sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa kabila ng arrest warrant laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, maging ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Sa forum, sinabi ni Lambino ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na mayroong iba’t ibang pananaw ang mga abogado kaugnay sa mga isyu na hindi mabuti para sa demokrasya ng bansa.

“Each group or side would have their own way of putting up their view, whether or not valid ba ‘yung ICC warrant, etc. etc. I have said my piece about this, I have my own view but this will not conform with the view of the other lawyers,” aniya.

“The SC is our last hope to interpret and construct our existing laws or principles in regard to these two important issues,” dagdag ng abogado.

Iginiit ni Lambino na hindi dapat sisihin ang mga abogado para rito.

Matatandaan na si Dela Rosa ay subject ng arrest warrant ng ICC para sa “alleged criminal responsibility as an indirect co-perpetrator” sa crimes against humanity sa murder mula Hulyo 3, 2016 hanggang katapusan ng Abril 2018 kung saan 32 katao ang nasawi.

Ayon sa ilang mga abogado, kailangan ang lokal na warrant para maipatupad ng mga awtoridad ang ICC warrant, habang ang iba naman ay nagsasabing hindi ito kailangan.

Naghain na ng iba’t ibang supplemental motions si Dela Rosa sa Korte Suprema laban sa implementasyon ng warrant laban sa kanya.

Samantala, naghain din si Vice President Sara Duterte at iba pang indibidwal para naman pahintuin ang impeachment proceedings. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here