Home NATIONWIDE SC naglabas ng gabay sa pagkilala ng may-ari ng socmed accounts sa...

SC naglabas ng gabay sa pagkilala ng may-ari ng socmed accounts sa criminal cases

294
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Naglabas ang Supreme Court (SC) ng mga gabay para matukoy ang ownership o kontrol ng social media accounts sa mga kasong kriminal.

Itinatag ng SC ang mga guideposts sa pamamagitan ng 30-pahinang desisyon noong Oktubre 22, 2025, kung saan pinagtibay ang hatol laban sa isang lalaki dahil sa psychological violence laban sa kanyang dating kasintahan matapos mag-post ng derogatory at threatening statements sa Facebook.

Ayon sa kaso, nagkaroon sila ng tatlong taong relasyon at may anak, ngunit hindi nagpatuloy sa pag-aasawa dahil sa problema sa relasyon, kaya ang babae ang nagpalaki ng kanilang anak.

Lumala ang sitwasyon nang umano’y hinawakan at ginrop ng lalaki ang babae sa isa sa kanyang pagbisita sa kanilang anak, dahilan para i-block siya ng babae sa social media.

Makaraan ang ilang taon, nakatanggap ang mga kapatid ng babae ng private message sa Facebook Messenger mula sa account na kanilang kilala bilang pag-aari ng kanyang dating kasintahan, na naging bahagi ng ebidensya sa kaso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here