MANILA, Philippines – Naglabas ng show cause order ang Supreme Court laban sa mga respondents sa petition for writ of habeas corpus na inihain pabor kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Inatasan ng Supreme Court En Banc sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Interior, Local Government Secretary Juan Victor Remulla, Jr., at Philippine National Police Chief Major General Rommel Franciso Marbil na magpaliwanag kung bakit hindi dapat mag-issue ang Korte ng peremptory writ of habeas corpus.
Binigyan lamang ang mga respondents ng 24 oras para magpaliwanag.
“Direct respondents in the consolidated petitions to show cause within a non-extendible period of 24 hours from receipt of notice why the peremptory writ of habeas corpus should not issue.”
Iniutos rin ng korte na pag-isahin ang mga petition for writ of habeas corpus with TRO nina Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, Davao City Mayor Sebastian Duterte at Veronica Duterte.
Hiniling ng magkakapatid na Duterte na mapawalang bisa ang ipinatupad na warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) sa sating panguloat pagbawalan ang gobyerno sa pakikipag-cooperate sa ICC. Teresa Tavares