Home NATIONWIDE SC naglabas ng TRO pabor sa sinibak na alkalde ng Mandaue na...

SC naglabas ng TRO pabor sa sinibak na alkalde ng Mandaue na tatakbo muli sa eleksyon

MANILA, Philippines- Hinarang ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Comelec na ikansela ang Certificate of Candidacy ng sinibak na alkalde ng Mandaue City na si Jonas Cortes na tumatakbo muli bilang alkalde ng Mandaue.

Naglabas ang SC ng Temporary Restraining Order (TRO) na pumipigil sa Comelec na ipatupad ang resolusyon nito na nagkansela sa COC ni Cortes para sa 2025 national and local elections.

“The TRO also prevented the COMELEC from deleting his name from the list of candidates for the said position,” nakasaad sa Briefer ng SC.

Inatasan ng SC ang Comelec at isang Atty. Ervin E. Estandarte na maghain ng sagot sa petisyon ni Cortes.

Binigyan lamang ng 15 araw ng SC ang mga respondent para isumite ang kanilang komento.

Nag-ugat ang resolusyon ng Comelec batay sa petisyon ni Estandarte na nag-aakusa kay Cortes na nakagawa ng material misrepresentation sa kanyang COC.

Dahil dito, naghain ng petition for certiorari sa SC ang sinibak na reelectionist at inakusahan ang Comelec na nakagawa ng grave abuse of discretion. Teresa Tavares