Home NATIONWIDE School shooting ‘di dapat maging new normal sa paaralan – Hontiveros

School shooting ‘di dapat maging new normal sa paaralan – Hontiveros

1
0

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Risa Hontiveros sa pamahalaan na tugunan ang lahat ng aspeto ng panibagong pamamaril sa loob ng paaralan na ikinamatay ng tatlong estiudyante at ikinasugt ng walo pa sa pinakahuling school shooting na naganap sa South Cotabato.

Sa pahayag, bukod sa nakiramay si Hontiveros sa pamilya ng biktima, at buong lalawigan, hiniling ni Hontiveros sa awtoridad na tugunan ang lat ng aspetong nagreresulta sa kapahamakan ng mga mag-aaral,

 “Nakakadurog ng puso na may isa na namang school shooting sa ating bansa. Nakikiisa at nakikiramay ako sa lahat ng kababayan natin sa South Cotabato. Bukas po ang aming opisina sa anumang tulong na kailangan ninyo,” ani Hontiveros.

Binigyang-diin ng senadora na hindi dapat maging new normal ang ganitong insidente at kailangang tugunan ng gobyerno ang lahat ng aspetong nagreresulta sa kapahamakan ng mga bata.

“This cannot be our new normal. Kailangan nating tugunan ang lahat ng aspeto na nagreresulta sa kapahamakan ng mga bata — mental health, parental supervision, gun access, school security, nihilistic violent extremism (NVE), and the role of online platforms in fueling radicalization and violence among the youth,” aniya.

Ayon kay Hontiveros, panimulang hakbang na ang Sagip Bata Act na tinatrabaho sa Senado na magpapalakas sa law enforcers sa pagsugpo sa NVE, ngunit hindi ito sapat.

“But one measure will never be enough. Government needs to do a real accounting of how we are failing our children. No child should have to fear going to school. Pangalawang tahanan ng bata ang eskwelahan kaya dapat itong maging espasyo hindi lamang ng karunungan, kundi ng kapayapaan,” dagdag niya.

Patay ang tatlong estudyante habang walo ang sugatan sa pamamaril sa loob ng Banga National High School pasado ala-1 ng hapon nitong Biyernes, Setyembre 18, 2026.

Ayon kay Banga Mayor Albert Palencia sa Bombo Radyo Koronadal, dead on arrival sa ospital ang tatlong estudyante batay sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. Isa sa mga nasawi ay pinaniniwalaang ang gunman na nagbaril sa sarili.

Naganap ang insidente bandang ala-1 ng hapon, ayon sa inisyal na police report na nakuha ng Inquirer. Kasalukuyang ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal ang karamihan sa walong sugatang estudyante.

Agad na sinuspinde ni Palencia ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan hanggang Lunes bilang precautionary measure. Naglabas din ng kaparehong kautusan si Surallah Mayor Pedro Matinong Jr. sa kalapit na bayan. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here