Home NATIONWIDE Secret sessions ng Kamara, hinikayat ni PBBM na itigil bago pa mag...

Secret sessions ng Kamara, hinikayat ni PBBM na itigil bago pa mag live-stream ng bicam

374
0

MANILA, Philippines – Ipinatigil na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso ang pagdaraos ng executive o secret sessions bago pa ang inaasahang livestreaming ng bicam o bicameral conference discussions hinggil sa 2026 national budget.

Sa isang kalatas, sinabi ng grupong Social Watch Philippines, matagal nang nagtataguyod na gawing bukas sa publiko ang bicam meetings, dapat na ipag-utos ni Pangulong Marcos sa Kongreso na “limit bicam sessions to resolving differences between the House and Senate versions of the budget.”

Nagbabala ito na ang bicam “has gained a reputation as a ‘third chamber’ where new budget items are inserted without prior deliberation.”

“Public transparency in matters of public interest must not be covered by executive session privileges,” ang sinabi ni essica Reyes-Cantos, co-convenor ng nasabing grupo sa isang kalatas.

“Budget amendments and insertions should be subject to public scrutiny,” ang sinabi pa rin ni Cantos.

Nagbabala naman si ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio na may ilang miyembro ng bicam ang maaaring gumawa nang pag-amiyenda sa expenditure program na pinag-usapan na lingid sa kaalaman ng publiko.

“Our fear is that what we will get is a performance with the amendments agreed upon behind the scenes,” ang sinabi ni Tinio.

Habang tanggap naman ng Social Watch ang development na gawing mas transparent ang budget deliberations, nanawagan ito kay Pangulong Marcos na “to take stronger action to ensure real transparency in the budget process.”

Winika ng budget watchdog na ang genuine transparency sa budget process ay nangangailangan ng “more than just livestreaming it.”

“The President should urgently certify legislative measures that institutionalize openness in the budget bicam and throughout the entire budget process,” ang sinabi pa rin ni Cantos.

Sa kabilang dako, hinikayat naman ng Social Watch ang pagpapasa at implementasyon ng House Joint Resolution No. 2 at Senate Joint Resolution No. 1 na hangad na itatag ang mekanismo para sa isang “fully open bicam.”

Nais din nito na isama ng bicam ang mga pangalan ng mga mambabatas at kanilang corresponding amendments kapuwa sa House at Senate versions ng national budget at maging sa final bicam report.

Dapat din na i-adopt ng bicam ang House Concurrent Resolution No. 5 na nag-uutos ng pampublikong pag-access sa budget documents gaya ng ‘briefing transcripts, committee reports, at journals.’

Kamakailan, nagkasundo si Pangulong Marcos at ang liderato ng Kamara at Senado na gawing live stream ang Bicameral Conference Committee para sa deliberasyon ng panukalang 2026 budget.

Ayon sa Pangulo, ito ay para matiyak ang transparency at makita ng publiko ang buong proseso at kung mayroong kuwestyon tulad ng insertions o ano pa mang idinagdag dito.

Sa pamamagitan din aniya nito ay makikita kung sino ang may kagagawan ng pagbabago o nagpanukala ng pagbabago sa budget.

Dagdag pa ni Marcos, ang Bicam ay maituturing na public hearing subalit hindi ito ang nasusunod dahil na rin sa small committee kaya hindi ito nabubuksan sa publiko.

Kaya sinabi ng Presidente na napagkasunduan nila ng Kamara at Senado na aalisin na ang small committee kaya maaari nang buksan sa publiko ang Bicam sa pamamagitan ng pag-live stream. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here