Home METRO DOH tumulong sa higit 400 survivors ng lindol sa Cebu, Davao

DOH tumulong sa higit 400 survivors ng lindol sa Cebu, Davao

307
0

MANILA, Philippines – Mahigit-kumulang 400 survivors ng lindol sa Cebu at Davao ang natulungan ng Department of Health sa pamamagitan ng Mental Health and Psychosocial Support o MHPSS.

Matatandaang unang tinamaan ng magnitude 6.9 ang Bogo City sa Cebu noong September 30 habang magnitude 7.4 naman ang tumama sa Davao Oriental noong October 10.

Sa nasabing sakuna, nakaranas ng ibat-ibang psychological at behavioral responses ang mga residente na maaaring humantong sa mental health concerns gaya ng post-traumatic stress disorder o PTSD.

Ilan sa mga serbisyong hatid ng DOH ay psychological first aid, psychological processing, at debriefing sessions para agapan ang posibleng pagkakaroon ng PTSD ng mga survivor dulot ng mga paglindol.

Kasama ang 190 barangay health workers. 179 na mga matatanda, at 20 na mga bata sa mga nakatanggap ng MHPSS.

Ang MHPSS response ng DOH ay alinsunod sa Republic Act Number 11036 o Philippine Mental Health Law, na naglalayong paigtingin ang mental health support lalo na sa oras ng kalamidad.

Patuloy na nakahanda ang lahat ng DOH Centers for Health Development, partikular na ang pagbibigay ng MHPSS response, lalo na sa mga frontline workers na unang rumeresponde sa gitna ng mga paglindol. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here