Home METRO Binatilyo tiklo sa higit 3 kilong marijuana

Binatilyo tiklo sa higit 3 kilong marijuana

304
0

ILOILO CITY, Philippines – Hindi nakaligtas sa mga awtoridad ang isang 16-anyos na binatilyo matapos makuhanan ng higit tatlong kilo ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation, iniulat kahapon sa Molo City.

Kinilala ng Iloilo City Police station-4 ang suspek sa alyas Nonoy, 16, at residente ng nasabing lugar.

Sa report ng pulisya, inilatag ang operasyon laban sa suspek noong Oktubre 15, 2025 sa Zone 3, Barangay Campana ng nasabing lungsod.

Nakuha sa suspek ang higit tatlong kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa transparent plastic, buy bust money at iba pang drug paraphernalia.

Kasalukuyan naman nasa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang suspek para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

Pinuri naman ng pamunuan ng Police Regional Office VI (Western Visayas) ang matagumpay na operasyon at ikinabahala ang paglahok ng mga kabataan sa ilegal na droga. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here