MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na inalis ng Philippine National Police ang kanyang security details ilang araw matapos ang pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ani Dela Rosa, nalaman lamang niya ang balita nitong Lunes, Marso 24 nang dumating siya sa Davao.
“Itong pag uwi ko sa Davao, wala na akong security,” sinabi ni dela Rosa.
“Pinapa-report na lang sila sa unit nila. Hindi ko alam kung kailan sila pina-report ha? Dahil naka-standby ‘man sila dito,” dagdag pa niya.
“Hindi ko alam kasi nag iikot ako. Ngayon, pagdating ko rito, wala na sila. Pina-report na sila,” pagpapatuloy ng senador. RNT/JGC