Home NATIONWIDE ‘Security’ ni ex-sen. Pacquiao hinarang sa EDSA bus lane

‘Security’ ni ex-sen. Pacquiao hinarang sa EDSA bus lane

MANILA, Philippines- Inihayag ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation (DOTr) nitong Linggo na nasita nito ang convoy na umano’y may kaugnayan kay dating senador Manny Pacquiao sa paggamit sa EDSA Busway lane.

Base sa DOTr-SAICT, hinarang ng mga operatiba ng transportation department ang isang itim na Toyota van na nangunguna sa dalawang sasakyan bandang alas-3 ng hapon habang gumagamit ng unauthorized blinkers at “wang-wang” sa busway.

“The driver revealed being security detail of former Senator Pacquiao. A passenger in the vehicle protested, pledging to relocate the convoy for proper ticketing,” anang DOTr-SAICT.

Nang gumilid ang traffic official upang makatabi ang sasakyan para isyuhan ng tiket, agad umano itong tumakas kasama ang dalawa pang sasakyan ng convoy.

“The black Suburban SUV (without a rear license plate) led the evasion. The Toyota van later returned to accept citations for Disregarding Traffic Signs and Illegal Use of Blinkers, prompting an investigation,” wika ng DOTr-SAICT.

Sinabi naman ng pinuno ng security ni Pacquiao na hindi alam ng dating senador ang insidente subalit nagsagawa na ng mga hakbang upang matiyak ang pagtalima ng stadd nito sa traffic rules.

“The van was driven by one of our drivers with helpers on board. After being stopped, the driver left instead of complying with authorities. This was a mistake, and we take full responsibility,” pahayag ni Jojo Cagumay, head of security ni Pacquiao.

“I reprimanded the driver and ordered him to return, apologize, and accept the traffic ticket. We do not tolerate any disregard for traffic laws,” dagdag niya. “We apologize for this mistake and will ensure it does not happen again.”

Inihayag din ni Cagumay na pinaalalahanan ni Pacquiao ang kanyang team “to follow traffic regulations.” RNT/SA