Home METRO Seguridad sa prusisyon ng Nazareno sa Biyernes Santo siniguro ng MPD

Seguridad sa prusisyon ng Nazareno sa Biyernes Santo siniguro ng MPD

(c) Crismon Heramis l Remate File Photo

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng walk through ang kapulisan ng Manila Police District (MPD) bilang paghahanda para sa pagdagsa ng mga mananampalataya sa Semana Santa sa huling linggo ng Marso.

Layunin ng walk through na tiyaking ligtas ang mga daraanan ng prusisyon ng Black Nazarene sa Biyernes Santo, Marso 29.

Ayon kay MPD Public Information Office Chief Major Philipp Ines, nasa humigit-kumulang 100 mga opisyal at staff ng MPD ang sumama sa Walk through kaninang alas 5 ng umaga .

Sa panayam kay Major Ines, pagpatak ng 12:01 ng madaling araw sa Biyernes Santo ay ilalabas na ang imahe ng Black Nazarene at iikot mula Plaza Miranda pappuntang Palanca, Carriedo, Recto Mendiola, San Sebastian at pabalik ng Quiapo church.

Ang paggunita ng Semana Santa ngayong taon ay aasahan din na maraming makikiisa sa prusisyon ng Black Nazarene.

Ito ay matapos ang tatlong taong pagkakasuspinde ng mga aktibidad dahil na rin sa Covid-19 pandemic.

Pinangunanan ni MPD-DDA,DDO P/Col Rodrigo Roy, mga station commanders, segment team leaders ang walk through upang tignan at masiguro na ang mga pagdadaanan ng prusisyon ay walang sagabal sa daan.

Sumama rin ang pari ng Quiapo church at mga Hijos sa ginawang walk through. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleTulfo napikon sa pulis sa Camilon case, nag-walk out sa Senate probe
Next article‘Breaking point’ ng mundo ibinabala sa record breaking na init na panahon – UN