Home Uncategorized ‘Breaking point’ ng mundo ibinabala sa record breaking na init na panahon...

‘Breaking point’ ng mundo ibinabala sa record breaking na init na panahon – UN

MANILA, Philippines – Nagbabala ang United Nations na malamang maging mas mainit pa ngayong 2024 dahil binasag ng pandaigdigang temperatura ang record nong nakaraang taon habang ang heatwaves ay sumubaybay sa karagatan at mga namuong yelo ay dumanas ng record ice loss.

Kinumpirma ng taunang ulat ng State weather and climate agency ang paunang datos na nagpapakita na ang 2023 ang pinakamainit na taon na naitala.

Noong nakaraang taon, tinapos ang “pinakamainit na 10 taong panahon na naitala”, sabi ng World Meteorological Organization na ay inaasahang mas mainit na temperature.

Ayon kay WMO climate monitoring chief Omar Baddour , may posibilidad na muling malagppasan ang record noong 2023.

Bilang reaksyon s aulat, sinabi ni UN chief Antonio Guterres na nagpakita ito ng “ a planet on the blink”.

Isinisisi ni Guterres ang polusyon ng fossil fuel na nagdadala ng climate chaos sa chart at nagbbala na ang mga pagbabago ay bumibilis.

Sinabi ng WMO na ang average near-surface temperature noong nakaraang taon y 1.45 degrees Celsius above pre-industrial levels—na mapanganib na malapit s aktitikal na 1.5 -degree na threshold na sinang-ayunan ng mga bas ana iwasan lumagpas sa 2015 Paris climate accords.

Sinabi ng organisasyon na marami sa mga record ang nasira at ang mga numero ay nagbigay ng bagong kahulugan sa kasabihang”off the charts”.

Partikular na nakakabahaa na natuklasan ay ang marine heatwaves. Sa pagtatapos ng 2023, hihit sa 90 percent ng karagatan ang nakaranas ng mga kondisyon ng heatwave sa isang punto sa nasabing taon, ayon pa sa WMO.

Sinabi ng WMO na ang pag-init ng karagatan at ang mabilis na pagtunaw ng mga glacier o namuong yelo at nagdulot ng antas ng dagat noong nakaraang taon sa pinakamataas na punto nito mula noong nagsimula ang mga record ng satellite noong 1993.

Binigyang-diin ahnesya na ang pandaigdigang pagtaas ng antas ng dagat sa nakalipas na dekada (2014-2023) ay higit sa doble sa rate sa unang dekada ng mga satellite record. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleSeguridad sa prusisyon ng Nazareno sa Biyernes Santo siniguro ng MPD
Next articleOplan Baklas ng Comelec, iligal – SC