Home HOME BANNER STORY Oplan Baklas ng Comelec, iligal – SC

Oplan Baklas ng Comelec, iligal – SC

MANILA, Philippines – Idineklara ng Supreme Court (SC) na labag sa konstitusyon ang pagsira at pagkumpiska ng Commission on Elections’ (Comelec) sa mga pribadong tarpaulins, posters, billboards, murals at iba pang election materials na ikinabit sa mga private property.

Sa SC En Banc decision, kinatigan nito ang petisyun ng St. Anthony College sa Roxas City at ginawang permanente ang temporary restraining order (TRO) na inilabas noong March 8, 2022 laban sa “Oplan Baklas” ng Comelec.

Sinabi ng SC na walang nakasaad na basehan sa Omnibus Election Code para ipatupad ang ‘Oplan Baklas’ sa mga election materials na pribadong pag-aari ng mga indibidual na naka-display sa kanilang property.

Inihayag ng Korte Suprema na ang implementasyon ng ‘Oplan Baklas’ sa election materials na pag-aari ng St. Anthony College ay panghihimasok na sa right to freedom of speech and expression ng naturang paaralan.

“While the Court acknowledges the zeal and dedication with which the Comelec performs its duties and fulfills its mandate to ensure free and fair elections, the best intentions cannot justify impermissible infringements on constitutional rights.”

Inatasan ng SC ang Comelec na isauli ang election materials sa St. Anthony College of Roxas, Inc. sa loob ng 15 araw mula sa finality ng desisyun.

Una nang iginiit ng mga petitioner na nagkamali ang Comelec sa pag-interpret sa Sections 21 (o), 24 at 26 ng Resolution No. 10730 ng ipatupad din itosa mga hindi naman kandidato.

Ayon sa mga petitioner, ang pagbaklas sa mga pribadong pag-aari ng hindi idinadaan sa pagdinig ay magdudulot ng chilling effect sa karapatan ng bawat mamamayan. Teresa Tavares

Previous article‘Breaking point’ ng mundo ibinabala sa record breaking na init na panahon – UN
Next article1 tusta sa sunog sa Malabon