Home METRO Sekyu huli sa kasong sexual assaults at acts of lasciviousness

Sekyu huli sa kasong sexual assaults at acts of lasciviousness

244
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang sekyu sa kaso ng Sexual Assault at Acts of Lasciviousness nang makorner ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento kay Nothern Police District (NPD) District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, ang akusado ay isang 56-anyos na security guard na residente ng Barangay Ugong.

Ayon kay Col. Talento, nitong January 6, 2026 lamang nang maglabas ng arrest warrant laban sa akusado ang Family Court, Branch 16, Valenzuela City para sa dalawang bilang na kasong Sexual Assault at Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 na may inirekomendang piyansa na P540,000.

Dahil dito, kaagad iniutos ni P/Capt. Robin Santos sa mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela CPS, sa pangunguna ni P/Lt. Felix Viernes ang malawakang pagtugis sa akusado.

Dakong alas-1:40 ng hapon nang tuluyang maaresto nina Lt. Viernes ang akusado sa Lamesa Street, Tulay Kawayan, Barangay Ugong saka isinailalim siya sa medical examination bago tinurnover sa kustodiya ng Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here