Home HOME BANNER STORY Selebrasyon ng Chinese New Year sa Maynila, mapayapa!

Selebrasyon ng Chinese New Year sa Maynila, mapayapa!

MANILA, Philippines – Naging mapayapa ang pagsalubong sa Chinese New Year sa Binondo, Maynila nitong Biyernes, sinabi ng Manila Police District (MPD) nitong Sabado, Pebrero 10.

Ayon kay MPD Director P/Brig.General Arnold Thomas Ibay, walang naitalang anumang untoward incident at wala ring krimen na naitala mula alas-5 ng hapon hanggang alas-12 ng hatinggabi kung saan dumagsa ang mga turista.

Sa taya ng MPD, umabot ng 5,000 katao ang nakiisa sa pagdiriwang sa Lucky Chinatown concert habang 10,000 ang dumagsa sa Binondo-Intramuros Bridge at Jones bridge para manood ng fireworks display.

Sa Ongpin Street sa Maynila, mayroon ding aabot sa 12,000 katao ang namamasyal.

Sa kabuuang, nasa 50,000 ang dumagsang mga bisita sa selebrasyon ng Year of the Wood Dragon sa Binondo.

Ngayong hapon, magkakaroon naman ng float parade na inaasahan din na maraming manonood mapa-lokal na turista o foreign tourist.

Sa pagsalubong sa Chinese New Year, ilang mga kalsada ang kinailangang isara para sa pagdiriwang na idineklara ng Malacañang. na karagdagang special non-working day sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleLolo patay, 2 sugatan sa sunog sa Pasay
Next articleDOST expert sa bamboo, rattan nakakuha ng ISO award