MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Roman Catholic Archdiocese of Manila (RCAM) nitong Sabado ang mga mananampalataya na ang selebrasyon para sa Solemnity of Immaculate Conception ay ililipat mula Disyembre 8 sa Disyembre 9 dahil ito ay papatak sa araw ng Linggo, kasabay ng ikalawang Linggo ng Adbiyento.
“The norms of the Liturgical Calendar provide that in cases when there is a concurrence of a solemnity and a Sunday of Advent, the Sunday of Advent takes precedence over the solemnity,” sabi ni Manila Archdiocese said, na tinukoy ang memorandum circular na pinirmahan ni RCAM Vice Chancellor Fr. Carmelo Arada, pinuno ng Archdiocesan Liturgical Commission.
“During all Masses and the Liturgy of the Hours on the evening of 7 December and the whole day of 8 December, the liturgy of the Second Sunday of Advent will be celebrated,” ayon pa sa memorandum.
Itinuturing na banal na araw ng obligasyon ang Solemnity of Immaculate Conception kung saan ipinagdiriwang ang paglilihi ng Mahal na Birheng Maria na walang orihinal na kasalanan.
Nilinaw ng Vatican’s Dicastery on Legislative Texts na ang Immaculate Conception solemnity ay gaganapin bilang isang banal na araw ng obligasyon sa paglilipat ng araw nito.
Hinimok ng Manila Archdiocese ang mga mananampalataya na dumalo ng misa at mangaral sa mga tao na may lubos na pagiging sensitibo at pagmamalasakit sa pastoral.
Sa ilalim ng Canon Law ng Simbahan, ang mga Katoliko ay dapat lumahok sa Banal na Eukaristiya na pagdiriwang at umiwas sa trabaho o negosyo sa panahon ng isang banal na araw ng obligasyon.
Tuwing Linggo ay kinikilala bilang isang banal na araw ng obligasyon.
Ang Kapanganakan ni Hesukristo (Disyembre 25), ang Solemnidad ni Maria, Ina ng Diyos (Enero 1), at ang Assumption ng Mahal na Birheng Maria (Agosto 21) ay kabilang din sa mga banal na araw ng obligasyon. Jocelyn Tabangcura-Domendensiiiiiii