MANILA, Philippines- Hiniling ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Bureau of Customs (BOC) na ipalabas ang 580 metriko toneladang ‘frozen mackerel’ na dumating sa Manila Port noong unang bahagi ng nakaraang buwan para magamit ng gobyerno para sa relief efforts kasunod ng kamakailan lamang ng pagtama ng mga bagyo.
Sa isang kalatas, sinabi ni Department of Agriculture (DA) na hiniling ni Tiu Laurel na ipalabas na lamang ang mga nahuli ng mackerel —natuklasan na akma pa para sa human consumption ng National Fisheries Laboratory para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Consequently, the fish products are deemed fit for immediate release and can be utilized to address food security needs, especially in relief operations,” ang sinabi ng Kalihim.
“This initiative would support the DSWD and the Department of Agriculture’s ongoing efforts to provide essential aid to victims of the recent typhoon,” aniya pa rin.
Tinatayang umaabot sa halagang P178.5 million ang mackerel shipments ay nakumpiska mula sa 21 container vans na dumating sa Manila International Container Port noong unang bahagi ng buwan ng Oktubre ng walang kaukulang ‘sanitary at phytosanitary import clearances.’
Kinumpirma naman ng laboratory tests ng National Fisheries Laboratory Division of the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang isda ay maaaring pang ikonsumo ng tao at walang senyales ng pagkasira o kontaminasyon. Kris Jose