MANILA, Philippines- Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagdiriwang sa nag-kampeon na chorale groups na nagdala ng karangalan sa bansa dahil sa kanilang katangi-tanging abilidad sa pag-awit sa international stage.
Sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang, pinarangalan ng First Couple na sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Marcos ang pitong chorale groups na nangibabaw sa iba’t ibang international competitions at ipinresenta ang musikang Filipino sa buong mundo.
Ang mga singing group ay ang University of the Philippines Manila Chorale, Quezon City Performing Arts Development Foundation Inc. Concert Chorus, Sola Gratia Chorale, University of Mindanao Chorale, Los Cantantes De Manila, IMUSICAPELLA, at University of Santo Tomas Singers.
Ang lahat ng grupo ay ipinagkalooban ng P200,000 bawat isa at certificates of appreciation.
Sa kanyang naging talumpati, isiniwalat ni Pangulong Marcos na ang kanyang kapatid na si Irene Marcos-Araneta, ang nasa likod ng “Gintong Parangal: Honoring the Champion Choirs of 2024.”
Kaya nga, umaasa ang Pangulo na ang seremonya ang siyang magiging tanda ng “beginning of a resurgence of the appreciation of Filipino artists by Filipinos.”
“This is world class, international level and Filipinos do not know about it. And they should because every other Pinoy that will hear about this will be proud once again,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Aniya pa, ang pagkilala ay hindi lamang ang ipagdiwang ang tagumpay ng mga may ‘talented choirs’ kundi pagkilala at paghanga sa kanilang pasyon o pagkahumaling at disiplina.
“I hope that tonight will be the first step where we recognize the true artists that are amongst us and the artists that have gone out and have been so committed to their art to present it to the rest of the world. And thank God, the rest of the world says it’s very, very good. You win. So congratulations to all of you,” ang litaniya ng Pangulo. Kris Jose