MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang indibidwal sa Taytay, Rizal dahil sa pagbebenta ng expired na pagkain.
Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng reklamo ang NBI mula sa kinatawan ng korporasyon kaugnay sa expired na produkto na ibinibenta sa isang tindahan at itinatago sa isang bodega sa Taytay.
Kasunod nito, nagpatupad ng search warrant ang mga ahente ng NBI sa isang warehouse sa Barangay Dolores.
Nagresulta ito sa pagkakaresto sa suspek sa isang entrapment operation.
Iniharap ang suspek sa inquest proceedings sa paglabag sa Consumer Act of the Philippines sa Office of the Provincial Prosecutor ng Rizal noong Oktubre 10. Jocelyn Tabangcura-Domenden