Home NATIONWIDE Sen. Bato posibleng nasa Davao – Remulla

Sen. Bato posibleng nasa Davao – Remulla

263
0

Maynila, Pilipinas – Malaki ang posibilidad na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ay nasa Davao kasama ang kaniyang pamilya, ngunit hindi pa puwedeng kumilos ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) hangga’t hindi natatanggap ang opisyal na kopya nito.

Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na wala pang aktwal na warrant, kaya maagang kumilos.

Hindi pa rin nagpapakita si Dela Rosa sa publiko at hindi dumalo sa mga sesyon ng Senado matapos igiit ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may warrant ang ICC.

Si Dela Rosa ay dating hepe ng Philippine National Police sa ilalim ng Duterte administration noong panahon ng war on drugs. Siya at apat pang dating mataas na opisyal ng pulisya ay tinaguriang mga suspek sa imbestigasyon ng ICC para sa umano’y crimes against humanity.

Ayon sa abogado ni Dela Rosa, na si Atty. Israelito Torreon, walang legal na basehan ang pamahalaan na isuko ang mga mamamayan sa international tribunal nang wala ang tamang patakaran o opisyal na utos. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here