Home ENTERTAINMENT Sen. Bong, hindi itinago ang mga anak sa labas!

Sen. Bong, hindi itinago ang mga anak sa labas!

Manila, Philippines- Sa nakaraang pa-mediacon ni Senator Bong Revilla para sa top rating show niyang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay hindi itinago ng magaling na senador at action star ang mga anak niya sa labas, huh!

Kumbaga, bukod sa mga anak niya kay Cong. Lani Mercado ay nagkaroon din ng mga anak si Sen. Bong sa ibang babae, huh!

Siyempre kahit paano ay masakit yun para sa legal wife ni Senador na si Congw. Lani.

Pero nagpakatotoo lang naman si Bong at ayaw din niyang masaktan ang anak niya sa labas kung sakaling mag-“no comment“ pa siya huh!

Kaya naman siyempre, sana huwag na raw palakihin pa ang isyu, huh!

Kumbaga, knows naman natin ang nararamdaman ni Cong Lani, huh!

Para kay Sen. Bong, ayaw niyang itago ang mga ganitong isyu dahil mga bata ang involved.

Ayaw naman daw niyang magsinungaling at naging totoo lang siya sa mga entertainment press na malapit sa kanya. Kaya ganu’n na lang ang pagpupuri at respeto ng lahat sa senador sa pagiging totoo nito.

Pero para kay Sen. Bong, si Cong. Lani pa rin ang pinakamatinik na misis.

“Ang matinik na misis sa akin, ‘yung matalino, mapagmahal, may puso, at sensitive sa lahat ng mga ginagawa ko.

“At sensitive sa lahat ng ginagawa niya sa tao. ‘

“‘Yun ang isang matinik na misis para sa akin. Si Lani ‘yon, ‘di ba?” sey pa ni Sen. Bong.

Nagpapasalamat siya sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya, lalo na ang buo niyang pamilya na nakasama niya sa Pasko at Bagong Taon.

“Meron pa akong bagong apo. Tapos meron akong lawyer, meron akong anak na doktora, ‘di ba?” sabi ni Sen. Bong na excited sa bagong apo niyang si Baby Matti, ang anak nina Gianna at Jed Patricio.

“Tapos we’re OK in the survey. We’re doing very well in the survey. Andaming blessings. Nakikita n’yo I’m everywhere. Umiikot tayo buong Pilipinas. Nakagawa pa ako ng project ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, but ‘yung trabaho ko sa Senate, I’ve never been late. Never been absent. Perfect attendance po ako. At marami tayong performance sa Senado,” banggit pa rin ng senador.

Incidentally maraming naipasang batas si Sen. Bong at isa na rito ay ang Revilla Law na para sa mga senior citizens.

Kaya doon pa lang at bilang isa sa nga senior citizens ay malaki ang pasasalamat namin kay Sen. Bong lalo na rin sa ipinadala niyang tulong para sa 89 year old mother naming binawian ng buhay last November. Jimi Escala